14 lugar sa Luzon, nasa “very high” Covid-19 positivity rates- OCTA

DCIM100MEDIA

14 na lugar sa Luzon ang naitalang nasa “very high” o higit 20% ang positivity rates sa Covid-19.

Sa twitter post ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, kabilang sa mga lugar na ito ang Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales.

Ang Isabela ang may pinakamataas na positivity rate na nasa 36.3% nitong July 29 mula lamang sa 25.7% noong July 23.

Sumunod ang Tarlac na may 31.6%; Laguna-30.9%, Camarines Sur-28.4%; Quezon-25.7%; Zambales-27.2%; Cavite-27.1%; Nueva Ecija-25.8%; Albay-25.4%; Pampanga-23.2%; Cagayan-22.7%; Rizal-21.7%, Pangasinan-21% at La Union-20.9%.

Samantala, bahagya ring tumaas ang positivity rate sa National Capital Region na nasa 15% nitong July 29 kumpara sa 14.2% nitong July 23.

Habang nananatili pa ring mababa ang healthcare utilization rate ng bansa sa Covid-19 dahil karamihan sa mga tinatamaan ng virus ay nasa mild cases lamang at marami na ang bakunado.

Please follow and like us: