14 na bagyo inaasahang papasok sa bansa ngayong taon – PAGASA
Maaaring pumasok sa bansa ang 14 na bagyo hangang sa November ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA na isa o dalawa ang inaasahang bagyong ngayong buwan, dalawa o tatlo sa July, dalawang hangang apat sa August at September, isa hangang tatlo sa October, at isa o dalawa sa November.
Ayon kay Ana Liza Solis, officer-in-charge of the PAGASA’s climate monitoring and prediction section, inaasahan ang near normal rainfall ang mararamdaman sa buong bansa ngayong buwan at sa susunod na buwan ay above normal ang mararamdaman sa ibang parte ng Eastern Luzon at Central Visayas.
Sinabi pa ni Solis na hindi inaasahan ng PAGASA na magkakaroon ng El Niño o La Niña sa darating na July.
Dineklara na ng PAGASA na magsisimula na ang tag-ulan sa ilalim ng type 1 climate sa mga lugar ng Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Palawan, Mindoro, Cavite at Batangas.
Dagdag ng PAGASA makakaranas ang mga lugar na ito ng monsoon break na kung saan tuloy-tuloy ang magiging pag-ulan ng ilang araw.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo