14 na eskwelahan napili ng Supreme Court bilang local testing centers sa 2023 Bar Exams
Umaabot na sa 14 na eskuwelahan ang inisyal na napili ng Korte Suprema para magsilbing local testing centers sa 2023 Bar Examinations.
Sa bar bulletin na inilabas ni 2023 Bar Exams Chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, anim sa local testing centers ay nasa National Capital Region (NCR).
Ang mga ito ay ang San Beda University-Manila, University of Sto. Tomas, San Beda College-Alabang, University of the Philippines-Diliman, Manila Adventist College, at University of the Philippines- Bonifacio Global City.
Sa Luzon ang LTCs ay sa Saint Louis University, Cagayan State University, at University of Nueva Caceres.
Sa Visayas naman ay sa University of San Jose-Recoletos, University of San Carlos, at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Institution.
Sa Ateneo De Davao University at Xavier University naman ang napili sa Mindanao.
Nilinaw ng Supreme Court na tentative pa lang ang nasabing local testing sites habang wala pang pinal na kasunduan sa mga paaralan.
Moira Encina