14 na opisyal ng NBI, na-promote sa posisyon
Umaabot sa 14 na opisyal ng NBI ang na-promote sa posisyon ng Malacañang.
Pangunahin rito si NBI OIC Director Eric Distor na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na Director V o senior deputy director.
Promoted din na Director V o deputy director si Assistant Director for Regional Operations Service Antonio Pagatpat.
Ang dalawa ay career agents na nagtapos mula sa NBI Academy.
Bukod kina Distor at Pagatpat, 12 iba pang career agents ang itinalaga ng pangulo.
Lima sa mga ito ay na-promote bilang Director III o regional director.
Ang mga ito ay sina: Atty. Emeterio Dongallo, Jr., Atty. Arcelito Cernal Albao, Atty. Claro De Castro, Jr., Atty. Victor John Paul Roquillo, at Atty. Janet Francisco.
May pitong career agents naman ang itinalaga na Director II o assistant regional director.
Ang mga ito ay sina: Investigation Agent IV Noel Bocaling, Investigation Agent VI Glenn Ricarte, Investigation Agent III Joel Ayop, Investigation Agent VI Victor Lorenzo, Investigation Agent V Hazel Roxas, Investigation Agent III Gerald Intes, at Investigation Agent V Isaac R. Carpeso, Jr.
Tiniyak ng mga bagong promote na opisyal ng NBI na pagbubutihin pa nilang lalo ang trabaho at dedikasyon sa pagganap ng mga responsibilidad.
Ayon kay Distor, magreresulta sa political stability at investor confidence ang mabilis na aksyon ng mga alagad ng batas kabilang na ang pag-aresto at pag-neutralize sa mga kriminal.
Moira Encina