14 Public schools sa Taguig hindi na ititake over ng DepEd
Nilinaw ng Department of Education na hindi nila itine-take over ang 14 na public school na sakop ng EMBO barangays na ngayon ay sakop na ng Taguig.
Paliwanag ni DepEd Usec at Spokesperson Michael Poa, nasa ilalim naman talaga ng DepEd ang mga pampublikong paaralan.
Ang pag-ako sa pangangasiwa sa mga nasabing paaralan ay para magkaroon umano ng nagbibigay ng iisang instruction.
Naniniwala si Poa na dapat talagang magkaroon ng transition team para matugunan ang isyu gaya halimbawa sa operating expenses ng mga apektadong eskwelahan.
Si Taguig City Mayor Lani Cayetano una ng nanawagan sa Makati na magkaroon na ng transition team kasunod ng Supreme Court decision sa territorial dispute ng dalawang lungsod.
Sa ginawang launching ng Brigada Eskwela sa mga eskwelahan sa nasabing EMBO barangays ilan rito ang personal na binisita ni Cayetano kung saan naging mainit naman ang pagtanggap sa kaniya ng mga guro at estudyante.
Nagpasalamat naman ang pinuno ng mga apektadong eskwelahan kay Cayetano sa pagsuporta sa Brigada Eskwela.
Sa Official Facebook page ng Makati Science High School sinabi nila na sa kabila ng mga concern ay mas nananaig ang kanilang pagiging isang educational institution.
Muli namang tiniyak ng Taguig LGU ang buong suporta sa kanilang mga estudyante, bagamat nagkaroon ng delay makakaasa umano ang mga itong matatanggap ang kanilang school uniform at school supplies.
Madelyn Moratillo