14th month pay, P750 minimum wage act, suportado ng liderato sa Kamara

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang dalawang panukalang batas na kumikilala sa kontribusyon ng mga manggagawa sa ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga panukalang ito ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga manggagawa at pagtataas sa minimum wage sa P750 kada araw.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag kasabay sa selebrasyon ngayong araw ng Labor Day.

“Our workers are the backbone not only of their families but of the economy and the nation. The economy would not be running if not for their tireless toil,” pahayag ni Romualdez.

“This is the reason why we in the House of Representatives always make it a point to attend to their concerns. We are committed to continue working on measures that protect their rights, promote their welfare and preserve their jobs and incomes,” pagdidiin pa ng House Speaker.

Sa statement, sinabi ni Romualdez na handa ang Kamara na pagtibayin ang mga panukalang batas na nagsusulong sa kapakanan ng manggagawa.

Bukod sa 14th month pay at P750 minimum wage, nakabinbin din sa Kamara ang House Bill 521 o Automatic Civil Service Eligibility to Government Contractual Workers and Job Orders Bill.

“The Congress recently enacted laws that aim to enhance economic growth and improve the investment climate in the country are geared toward job and income preservation,” pahayag pa ni Romualdez

“Among these pieces of legislation are liberalization amendments introduced in the Public Service Act, Retail Trade Law and Foreign Investments Act, which are intended to attract more foreign investments,” sabi pa ng Speaker.

Naniniwala si Romualdez na sa ilalim ng Marcos Jr. administration economic reform master plan ay makakabangon na nang husto ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Vic Somintac.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *