Nasawi sa metro line accident sa Mexico City umabot na sa 23
MEXICO CITY, Mexico (AFP) – Umakyat na sa 23 ang nasawi habang dose-dosena ang nasaktan, nang mag-collapse ang isang elevated metro line sa Mexican capital, habang dumaraan ang isang tren.
Sa security camera footage na ipinalabas ng local media, makikita ang mga bagon ng tren na nahulog paibaba.
Sinabi ni Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum . . . “So far we have 15 people who unfortunately lost their lives.”
Sa kanila namang tweet ay sinabi ng civil defense department, na nasa 70 iba pa ang nasaktan sa aksidente.
Dose-dosena namang emergency workers ang nagtangka ring magligtas ng mga biktima mula sa mga bagon.
Subalit kinailangang suspendihin ang rescue efforts, sa pangambang unstable ang wreckage.
Ayon kay Sheinbaum . . . “For now the rescue has been suspended because the train is very weak. A crane is coming to continue the work.”
Bahagi ng tren ay nakalaylay mula sa riles, habang may mga kableng nagkabuhol-buhol na.
Isang sasakyan ang na-trap sa ilalim ng guho, pero di pa batid kung may mga tao sa loob nito.
Ayon kay Sheinbaum, ang nasaktan ay dinala sa iba’t-ibang ospital sa siyudad.
Ang aksidente ay nangyari nang ang isang seksyon ng elevated tracks ay gumuho sa Olivos station, dakong alas-10:00 ng gabi (local time).
Ang Mexico City subway ay may 12 linya at naglululan ng milyun-milyong mga pasahero araw-araw.
@ agence france-presse