15 bagong hukom itinalaga ni Pangulong Duterte sa Biliran, Leyte at Samar
Napunan na ang ilang bakanteng pwesto sa mga hukuman sa Eastern Visayas.
Ito ay matapos magtalaga si Pangulong Duterte ng 15 bagong hukom sa mga Korte sa Biliran, Leyte at Samar.
Batay sa transmittal letter ng Malacañang sa Korte Suprema at Judicial and Bar Council, ang mga hukom ay inilagay sa mga Regional Trial Courts at Municipal Court sa mga nabanggit na lalawigan.
Lima sa mga ito ay mga bagong RTC Judge na inilagay sa Calubian, Leyte RTC Branch 22; Tacloban RTC Branch 45 at 46; Ormoc City RTC B ranch 47 at Sogod, Southern Leyte RTC Branch 39.
Sampu naman ang bagong appointees sa mga Municipal Courts sa Maripipi, Biliran; Barugo, Leyte; Sta. Fe, Leyte; 1st MCTC San Miguel-Tunga, Leyte; 6th MCTC, Calubian-San Isidro, Leyte; Bobon, Northern Samar MTC; 7th MCTC, CAlbiga-Hinabngan, Samar; MCTC sa Marabut, Samar; 2nd MCTC, Malitbog-Tomas Oppus, Southern Leyte at sa 4th MCTC, San Juan-Saint Bernard, Southern Leyte.
Ulat ni: Moira Encina