15 mangingisda na sakay ng lumubog na bangka noong kasagsagan ng bagyong Auring nasagip ng PCG
Matapos ang ilang araw na paghahanap, nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 15 mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka sa Surigao, noong kasagsagan ng Bagyong Auring.
Kinilala ang mga nasagip na mangingisda na sina:
– Arnel Asis
– Jose Abella
– Bryab Aguanta
– Pedro Aguanta
– Jason Laag
– Rolly Cabating
– Josel Planas
– Jonry Plores
– Roel Cabatinf
– Leopoldo Dadivas
– Vince Pellesin
– Abdol Campos
– Arnold Asis
– Ryan Claveria
– Jesus Trozo
Ayon sa PCG, batay sa kwento ng mga survivor, pinasok umano ng tubig ang kanilang bangka dahil sa lakas ng alon hanggang sa tuluyan itong lumubog.
Naghihintay sila ng rescue, subalit nataon ito kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Auring.
Ang mga biktima, na dinala muna sa General Santos, ay nagtamo ng minor injuries na agad na ginamot ng mga medical personnel.
Inaasahan naman na makakauwi ang mga mangingisda sa Surigao City ngayong araw upang makapiling ang kanilang mga kaanak.
Madz Moratillo