15 milyong Pilipinong may kapansanan, muling kikilalanin kaugnay ng pagidirwang ng 39th Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Ipinagdiriwang ngayong linggo ang 39th Disability Prevention and Rehabilitation Week sa pangunguna ng National Council on Disability Affairs attached agency ng Department of Social Welfare and Development.
Naglalayon ang selebrasyon na bigyang pagpapahalaga at pagkilala ang may labing limang milyong Pilipino na may kapansanan.
Tema ng pagdiriwang ay “ karapatan at pribilehiyo ng may kapansanan: isakatuparan at ipaglaban”.
Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, ang NDPR ay napakahalagang event na dapat suportahan ng publiko, lalo na ang pamilya at mga kamag anak ng Person’s With Disability o PWD’s.
Binigyang diin ni Taguiwalo na sila ang bulnerableng sektor na tunay na nangangailangan ng kalinga at malasakit.
Mahalaga na bigyan ng atensyon at suporta ang mga PWD at tulungan sila sa kanilang pagsisikap na mahasa ang kanilang mga angking kakayahan.
Ito aniya ang mensahe ng NDPR week celebration.
Ibat’ibang aktibidad ang isinasagawa sa buong bansa na ang culminating activity ay isang cultural presentation na pinamagatang “handog sayawan at kantahan” na katatampukan ng mga PWD’s ng bansa.
Ulat ni: Anabelle Surara