15 patay, 25 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Prague university
Labinglima katao ang nasawi habang 25 iba pa ang nasaktan, sa insidente ng pamamaril sa isang unibersidad sa Prague.
Ang pamamaril ay nangyari sa Faculty of Arts building ng Charles University, na nasa pangunahing tourist sites gaya ng 14th-century Charles Bridge.
Sinabi ni police chief Martin Vondrasek, “At this moment I can confirm 15 victims of the horrible crime and 25 wounded, of which 10 seriously.”
Aniya, lahat ng mga biktima ay namatay sa loob ng gusali. Ayon naman sa media, ilan sa mga ito ay kapwa estudyante ng gunman sa naturang unibersidad na nakilalang si David Kozak, 24-anyos.
Sinabi ng Dutch foreign ministry, na isa sa mga nasaktan ay isang Dutch national.
A police officer secures the area near the Charles University in central Prague, on December 21, 2023. A 24-year-old student killed 14 people and wounded 25 at a Prague university on Thursday in the Czech Republic’s worst shooting in decades, before authorities said the attacker was “eliminated”. (Photo by Michal CIZEK / AFP)
Dagdag pa ni Vondrasek, si Kozak na hindi dating kilala ng mga pulis, ay “maraming pag-aaring mga armas at amunisyon,” at ang mabilis na pag-aksyon ng pulisya ang pumigil na mas marami pa ang masawi.
Kaugnay nito ay nagdeklara ang gobyerno ng isang ‘day of national mourning’ bukas, December 23, kung saan ang mga watawat ay ilalagay sa half-mast at hihilingin sa publiko na maglaan ng isang minutong katahimikan pagdating ng tanghali.
Samantala, ipinost sa social media ang talaan ng mga nawawalang estudyante, habang ang mga nakaligtas naman sa pamamaril ay nagpost ng mga mensahe upang ipaalam ito sa kanilang mga kaibigan at kaanak.
An ambulance drives over a bridge towards the Charles University in central Prague, on December 21, 2023. A 24-year-old student killed 14 people and wounded 25 at a Prague university on Thursday in the Czech Republic’s worst shooting in decades, before authorities said the attacker was “eliminated”. (Photo by Michal CIZEK / AFP)
Sinabi ni Vondrasek, na sinimulan nang hanapin ng pulisya si Kozak bago pa nangyari ang mass shooting, dahil ang kaniyang ama ay natagpuang patay sa Hostoun village na nasa kanluran ng Prague.
Ayon kay Vondrasek, “The gunman left for Prague saying he wanted to kill himself.” May hinala ang mga pulis na ito rin ang pumatay sa kaniyang ama.
Hinanap siya ng mga pulis sa gusali ng Faculty of Arts kung saan inaasahang dadalo ito sa isang lecture, ngunit nagtungo si Kozak sa main building ng faculty na kalapit lamang nito at hindi siya nakita ng pulisya.
Sabi pa ni Vondrasek, “At 1359 GMT, we received the first information about shooting, and the rapid response unit was on the scene within 12 minutes. At 1420 GMT, the officers in action told us about the gunman’s motionless body. Unconfirmed information showed he had killed himself.”
Banggit ang isang imbestigasyon sa social media, sinabi ng opisyal, “The gunman was inspired by a ‘similar case’ that happened in Russia,” ngunit hindi na nagbigay ng mga detalye.
Aniya, naniniwala ang pulisya na si Kozak din ang pumatay sa isang may kabataang lalaki at sa dalawang buwang gulang nitong anak na babae, habang naglalakad ito sa isang kagubatan sa eastern outskirts ng Prague noong Disyembre 15.
People being caught up in a shooting incident walks past an armed police man near the Charles University in central Prague, on December 21, 2023. A 24-year-old student killed 14 people and wounded 25 at a Prague university on Thursday in the Czech Republic’s worst shooting in decades, before authorities said the attacker was “eliminated”.. (Photo by Michal CIZEK / AFP)
Ang imbestigasyon ng pulisya na ikinagulat ng Prague ay nasa “deadlock” hanggang sa ang ebidensiyang nakita sa Houston ay nag-ugnay kay Kozak sa krimen.
Ikinabigla naman ni Czech President Petr Pavel ang nangyaring karahasan at nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mga kaanak ng mga biktima.
Ayon kay Prime Minister Petr Fiala, “The lone gunman wasted many lives of mostly young people. There is no justification for this horrendous act.”
Ang pinakamalalang shooting incident simula nang maging isang nagsasariling estado ang Czech Republic noong 1993, ay nagresulta sa mga mensahe ng suporta mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nilinaw naman ni Czech Interior Minister Vit Rakusan, na walang kaugnayan ang nangyaring pamamaril sa “international terrorism” at idinagdag na wala nang iba pang nakumpirmang gunman.
Kinordon ng pulisya ang lugar at pinagsabihan ang mga taong nakatira sa malapit na manatili sa loob ng kanilang tahanan.
Ayon sa emergency sevice ng Prague, nagdeploy ito ng malaking bilang ng ambulance units sa faculty.
A young woman looks on in the area near the Charles University in central Prague, on December 21, 2023. (Photo by Michal CIZEK / AFP)
Bagama’t ang mass gun violence ay hindi karaniwan sa Czech Republic, ang bansa ay dumanas ng ilang kaso nito sa nakalipas na mga taon.
Noong 2015 ay binaril patay ng isang 63-anyos na lalaki ang pitong lalaki at isang babae bago nagbaril sa sarili, sa isang restaurant sa southeastern town ng Uhersky Brod.
Noon namang 2019, ay pinatay ng isang lalaki ang anim katao sa waiting room ng isang ospital sa eastern city ng Ostrava, kung saan isa pang babae ang namatay din ilang araw makalipas ang pamamaril. Nagbaril din sa sarili ang gunman, may tatlong oras makalipas ang shooting incident na kaniyang ikinasawi.