15,000 mga kawani ng DOH, pinangangambahang mawawalan ng trabaho pagpasok ng Enero dahil sa Budget cut
Tinatayang aabot sa 15,000 mga manggagawa ang maaaring mawalan ng trabaho sa Department of Health pagpasok ng Enero sa susunod na taon.
Ito’y dahil sa ginawang pagtapyas ng Department of Budget and Management o DBM sa pondo ng DOH Human Resources deployment mula sa 9.6 bilyong piso ngayong taon ay ibinababa na sa 1.2 bilyong piso.
Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, mangangahulugan ito ng limitadong doktor, nurse, dentista at komadrona at iba pang healthcare professionals.
Nangangahulugan rin ito ng delay sa Healthcare services sa mga pampublikong ospital lalo na sa sa mga community health centers o mga mahihirap na komunidad.
Naghain na ng mosyon si Drilon sa Budget hearing kanina para pa-amyendahan ang budget ng DOH at ibalik ang tinapyas na pondo.
Senador Drilon:
“15 K will be on the streets while we evaluating so wat is the system come from… i will repeat this budget will only be authorizations..if the doh or for that matter any other agencies that is not performed in accordance with out standard do not release the funds as simple as that”
Ulat ni Meanne Corvera