1,569 na bagong kaso ng Omicron variant ng Covid-19, natukoy sa bansa
May 1,569 bagong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 na natukoy sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa bilang na ito 1,458 ang local cases, 76 ang Returning Overseas Filipinos habang bineberipika naman ang 35.
Sa mga ito, 72 ang aktibong kaso pa, nasawi ang 4, nakarekober naman ang 1,403 habang bineberipika naman ang kasalukuyang sitwasyon ng 90.
Ayon sa DOH sa kabuuan, 9 na ang nasawi sa bansa dahil sa Omicron habant umabot na sa 2,722 ang naitalang kaso nito sa bansa.
Sa bilang na ito, 499 ang fully vaccinated, 11 ang partially vaccinated, 15 ang unvaccinated habang bineberipika naman ang Vaccination status ng 2,197.
Samantala, may 16 na karagdagang kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa, lahat sila ay local cases.
Ayon sa DOH, 2 nalang rito ang active cases pa habang nakarekober naman ang 14.
Sa kabuuan, umabot na sa 8,663 ang naitalang Delta cases sa bansa.
Ang 628 rito ay fully vaccinated, 230 ay partially vaccinated, 536 ay unvaccinated, at bineberipika naman ang sa 7,269.
Ayon sa DOH, mas maraming samples ang naisailalim sa genome sequencing dahil operational na rin ang laboratoryo ng Philippine Genome Center sa Visayas.
Madz Moratillo