16% ng target population sa CALABARZON, kumpleto na ng bakuna laban sa COVID
Aabot pa lamang sa 16% ng target na populasyon para makami ang herd immunity sa CALABARZON ang nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, kabuuang 1,809,041 ang fully-vaccinated na laban sa sakit sa rehiyon.
Ito ay katumbas ng 16% ng mahigit 11.45 milyong indibidwal sa Region IV-A na target mabakunahan para magkaroon ng herd immunity.
Ang mga kabilang sa A3 o persons with comorbidities ang pinakamarami sa fully-vaccinated sa CALABARZON na 616,473.
Sumunod naman ang mga senior citizens na 607,584 na na nakatapos na ng pagbabakuna laban sa COVID.
Ang Lucena City naman ang may pinakamaraming nang nabakunahan sa target population nito na 23% o 45,767 mula sa mahigit 200,000.
Una nang sinabi ng national government na ang CALABARZON ang makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon ng bakuna sa huling quarter ng taon o 17 million doses ng COVID vaccines.
Moira Encina