16 pa na OFWs mula Lebabon, nakauwi na sa Pilipinas
Karagdagang 16 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon ang nakabalik na sa bansa.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), boluntaryong nagpa-repatriate ang mga Pilipino bunsod ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Tumanggap ang mga Pinoy ng P75,000 bawat isa mula sa DMW AKSYON Fund.
Pinagkalooban din ang OFWS ng P75,000 mula sa OWWA, at P20,000 mula sa DSWD.
Sa tala ng DMW, umabot na sa 305 OFWs mula sa Lebanon ang umuwi sa bansa mula 2023 dahil sa lumalalang away ng Israel at Hamas.
Moira Encina-Cruz
Please follow and like us: