167th Birth anniversary ni Marcelo H. Del Pilar, gugunitain sa Agosto 30
Ipagdiriwang ng Bulacan ang 167 kapanganakan ni Marcelo H. Del Pilar sa Agosto 30.
Idineklara ring special non-working holiday ang nasabing petsa sa buong lalawigan ng Bulacan alinsunod sa Republic Act 7449 na pinagtibay noon pang panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Ang pagdiriwang ay gaganapin sa dambana ni Del Pilar sa Bulacan, Bulacan.
Mas kilala sa kaniyang pen name na Plaridel, si Del Pilar at isang dakilang manunulat, propagandistang Bulakenyo na nakiisa sa pakikipaglaban sa kalayaan.
Isa siya sa mga nagpasimula ng Propaganda movement laban sa mga kastila noong ika-18 siglo at siya rin ang nagtatag ng Dyaryong Tagalog at nagsilbi ring mamamahayag at patnugot ng La Solidaridad.