17 Hukom, itinalaga ni Pangulong Duterte
Labing-pitong bagong hukom ang itinalaga ni Pangulong Duterte kabilang ang anak ng isang mahistrado ng Supreme Court.
Ito ay batay sa transmittal letter ng Malakanyang sa Korte Suprema.
Labing-lima sa mga bagong judge ay itinalaga sa mga korte sa Metro Manila habang ang dalawa ay sa Cagayan at Negros Oriental.
Kabilang sa mga hinirang na hukom ang anak ni SC Associate Justice Justice Lucas Bersamin na si Pia Cristina Bersamin-Embuscado sa Las Pinas RTC Branch 198.
Itinalaga naman sa Malabon RTC Branch 73 si Catherine Therese Tagle-Salvador na anak ni retired CA Justice at dating Comelec Commissioner Lucenito Tagle.
Dalawang piskal din ang in-appoint bilang mga hukom na sina Misael Ladaga para sa Malabon RTC Branch 292 at Ma. Rowena Violago Alejandria sa Caloocan RTC Branch 121.
Ilan pa sa itinalaga sa Malabon RTC sina Anna Michella Atanacio-Veluz at Josie Negros Rodil.
Anim naman ang hinirang sa Makati RTC na sina
Redentor Dela Cruz Cardenas, Augusto Jose Arreza, Rosario Ester Orda-Caise, Ricardo Moldez II, Giovanni Vidal at Ma. Caridad SJ. Villamor-Yee.
Tatlo naman ang appointed judges sa Manila RTC na sina Caroline Tobias, Cynara Hannah Cayton at Renato Enciso.
Dalawang municipal judges naman ang itinalaga sa katauhan nina Rhodora Gines Arrocena ng MTC Buguey, Cagayan at Edwina Belcina Monceda ng MTCC, Canlaon City, Negros Oriental.
Ulat ni Moira Encina