17 pagyanig, naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras
Nakapagtala ng 17 tremor activities o pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, nasa 60 hanggang 360 segundo ang itinagal ng mga tremor episodes sa Bulkan.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Taal dahil sa mga naitatalang slight deflation sa paligid ng bunganga ng bulkan simula pa noong Oktubre 2020 at very slow at steady inflation sa Taal Region na naitala kasunod ng eruption nito nong Enero ng nakalipas na taon.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone or PDZ ng Taal at sa Main crater nito at Daang Kastila fissure.
Ito ay dahil sa babala ng sudden steam-driven o phreatic eruption ng volcanic gas sa paligid ng Taal Volcano.
Pinaaalerto rin ang mga residente sa mga ground displacement sa mga fissure ng bulkan, posibleng ashfall at mahihinang pagyanig.