17 pang illegal Chinese POGO workers, ipina-deport na –DOJ
Patuloy ang deportation sa Chinese workers na nahuling nagtatrabaho sa iligal na online gambling operations sa bansa.
Sa report na natanggap ng DOJ mula sa Bureau of Immigration (BI), 17 Chinese nationals ang kasama sa ikatlong batch ng deportation ng illegal POGO workers.
Ang mga dayuhan ay sakay ng Philippine Airlines flight papuntang Wuhan, China.
Bahagi ang 17 ng mahigit 300 dayuhan na karamihan ay Chinese na naaresto bunsod ng pagkakadawit sa illegal online gambling operations.
Una nang naipa-deport ng BI ang anim na Chinese nationals noong Oktubre at 21 pa noong Nobyembre 2.
Otomatikong ilalagay sa blacklist ng BI ang mga deported foreign national kaya hindi na sila maaari muling makapasok ng Pilipinas.
Moira Encina