17 pulis CALABARZON na dawit sa tinaguriang ‘Bloody Sunday,’ sinampahan ng reklamong murder sa DOJ
Nahaharap sa reklamong murder sa DOJ ang 17 tauhan ng PNP- CIDG Region IV-A kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang aktibista sa Nasugbu, Batangas noong Marso 7, 2021.
Ang kaso na inihain ng NBI ay kaugnay sa tinaguriang ‘Bloody Sunday’ kung saan namatay na siyam na aktibista mula sa CALABARZON habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrant.
Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawang sina Ariel Evangelista at Ana Mariz Lemita- Evangelista
Ayon sa DOJ, sisimulan nito ang pagdinig sa reklamo sa lalong madaling panahon.
Bukod sa pagpaslang sa mag-asawa, iniimbestigahan din ng AO 35 Task Force ang pagkamatay ng iba pang aktibista sa nasabing insidente at ilan pang katulad na pagpaslang sa mga militante
Moira Encina