177 bagong kaso ng Delta variant, naitala sa bansa
Nakapagtala pa ng karagdagang 177 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa 177 karagdagang Delta variant cases, 144 ang local cases, ang 3 ay Returning Overseas Filipinos habang bineberipika naman ang 30.
Sa 144 local cases na ito, 90 cases ang nasa National Capital Region, habang ang 25 ay nasa CALABARZON, 16 naman ang nasa Cagayan Valley, 8 sa Ilocos Region, tig-2 sa Cordillera Administrative Region at Western Visayas, at 1 naman sa Davao Region.
Sa mga bagong kaso na ito ng Delta variant, nakarekober na umano ang 173, nasawi ang isa habang inaalam pa ang sa tatlo.
Sa kabuuan, umabot na sa 627 Delta variant cases ang naitala sa bansa.Ang 13 rito ay aktibong kaso pa, habang 13 ang nasawi.
Ayon sa DOH, may 102 bagong Alpha variant cases rin ang natukoy sa bansa.
Sa bilang na ito, 94 ang local cases at 8 ang bineberipika pa.
Ang isa rito ay aktibong kaso pa habang nakarekober naman na ang 101.Sa kabuuan, umabot na sa 2,195 ang Alpha variant cases na naitala sa bansa.
May 59 na karagdagang Beta variant cases rin ang naitala sa bansa, kung saan 53 rito ay local cases habang bineberipika ang 6.
Ang 57 sa kanila ay nakarekober na habang aktibong kaso naman ang isa pa.
Sa kabuuan, nasa 2,421 Beta variant cases na ang naitala sa bansa.
May 14 namang karagdagang P.3 variant ang natukoy sa bansa.
Ang 13 rito ay local cases habang bineberipika ang 1 pa.
Nakarekober naman na ang 12 sa kanila pero 2 ang nasawi.
Madz Moratillo