18 BI personnel inirekomendang suspendihin dahil sa pangingikil sa mga inarestong Koreano
Inirekomenda ng Bureau of Immigration na patawan ng preventive suspension ang 18 kawani nito na sinasabing sangkot sa pangingikil ng mga Koreano sa Angeles, Pampanga noong Marso.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na inirekomenda na nila kay Justice Secretary Menardo Guevarra na suspendihin ang mga nasabing BI operatives habang iniimbestigahan ang mga ito.
Kapag anya mapatunayang guilty, mahaharap ang mga ito sa mga kasong administratibo at kriminal.
Batay sa ulat, kinikilan ng mga tauhan ng Intelligence Division ng BI ng siyam na milyong piso para hindi kasuhan ang 15 Koreano na inaresto dahil sa pagiging overstaying.
Ulat ni Moira Encina