18 Filipino seafarers nailigtas sa gitna ng bagyo sa South Africa
Libu-libong katao ang nawalan ng tahanan at marami ring mga gusali ang nawasak dahil sa malakas na hangin at ulan sa South Africa, habang nagbabala naman ang weather services na may darating pang sama ng panahon.
Ayon sa mga awtoridad, binayo ng ilang cold fronts ang Cape Town region nitong nakalipas na mga araw, kung saan ang mountainous areas ay nakaranas ng matinding snowfalls.
Sinabi ng Western Cape government, na 82 mga eskuwelahan ang nasira sanhi upang manatiling sarado pa rin ang lima sa mga ito. May ilang insidente na tinangay ng malakas na hangin ang mga bubungan.
Nitong nagdaang Sabado at Linggo, halos 4,000 katao ang nawalan ng tahanan matapos sirain ng malalakas na hangin ang nasa 1,000 mga bahay at istraktura sa mahirap na bayan ng Khayelitsha.
A general view of a road-closure sign on the Bo-Swaarmoed Pass, after an unusually heavy snowfall on the mountains in the area, near Ceres on July 8, 2024. Two cold fronts have hit South Africa in the past two days resulting in snowfall in Western Cape. (Photo by RODGER BOSCH / AFP)
Dagdag pa ng mga awtoridad, may mga napaulat din na localised flooding, nagtumbahang mga puno, pagkawala ng suplay ng kuryente at pagsasara ng mga kalsada sa magkabilang panig ng lalawigan.
Ayon naman sa South African Maritime Safety Authority (SAMSA), 18 crew members ng isang cargo ship ang nailigtas matapos mapilitan ang mga ito na abandonahin ang kanilang barko dahil sa malalakas na alon sa dagat.
Ang seafarers, na lahat ay Filipino nationals, ay natagpuan sa isang life raft sa Atlantic coast ng South Africa, at iniligtas ng mga sakay ng dalawang cargo vessels, na nasa malapit lamang.
Sinabi ng South African Weather Service (SAWS), “More disruptive rain leading to flooding and possible mudslides was expected to hit the province on Wednesday and continue on Thursday.”