180 tauhan ng Traffic Department ng MPD, tinanggal sa pwesto
Sinibak sa pwesto ang halos 180 tauhan ng Traffic Department ng Manila Police District.
Ayon kay MPD Chief Brigadier General Leo Francisco, ang 180 tauhan ng Traffic Department ay inalis nya at inilipat ng ibang departamento.
Sinabi ni Francisco na dismayado siya sa mahinang performance ng mga ito na batay na rin sa kanyang imbestigasyon ay madalas huli na kapag may mga nangyayaring aksidente.
Inihalimbawa nito ang tatlong insidente ng hit and run sa nakalipas na tatlong buwan mula ng dumating siya sa MPD.
Sa oras ng rush hour kung saan mahalaga ang presensya ng traffic police ay wala rin aniya ang mga ito.
Bukod rito, masyado narin aniyang pamilyar ang mga ito sa pwesto kung saan may iba na 11 taon na sa Traffic.
Madz Moratillo