19 katao patay sa bus crash sa central Mexico

A view shows a crashed passenger bus where several people died and others were injured while travelling on a highway from Nayarit to Chihuahua, in Piedra Gorda, Mexico, October 26, 2024. REUTERS/Edgar Chavez

Labingsiyam katao ang namatay at anim na iba ang nasanktan, nang maaksidente ang isang bus sa isang highway sa central state ng Zacateca sa Mexico.

Nangyari ito nang ang bus na sinasakyan ng mga biktima ay bumangga sa likod ng isang tractor-trailer, na may kargang mais.

Una nang iniulat ni Zacatecas Governor David Monreal na 24 lamang ang namatay, ngunit kalaunan ay binago ito ng state attorney general’s office.

Highway from Nayarit to Chihuahua, Piedra Gorda, Mexico, October 26, 2024. REUTERS/Edgar Chavez

Ayon sa attorney general’s office, “We are carrying out investigations to arrest the driver of the tractor-trailer.”

Sa mga larawang naibahagi sa social media, ay makikita ang rescue teams at security forces, na kinabibilangan ng military personnel, na nagbibigay seguridad sa lugar at tinatangkang kunin ang mga bangkay.

Ang naaksidenteng bus ay patungo sana sa Ciudad Juarez, isang lungsod sa U.S.-Mexico border sa estado ng Chihuahua. Ayon sa attorney general’s office, walang migrants na kasama sa mga biktima.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *