1987 Constitution, di na daw kailangang amyendahan- former SC Chief Justice Hilario Davide
Walang nakikitang dahilan si dating Supreme Court Chief Justie Hilario
Davide para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments, sinabi
ni Davide na wala syang nakikitang nakahihigit pa sa saligang batas na
tumutugma sa pangangailangan ng lahat ng mga Pilipino..
Pero kung magmamatigas raw ang mga mambabatas at ipipilit ang anumang
Charter Change hindi pabor si Davide na gawin ito sa pamamamagitan ng
Constituent Assembly.
Dapat gawin ito sa pamamagitan ng transparent na proseso gaya ng
Constitutional Convention.
Nagbabala pa si Davide na isang lethal experiment ang anumang plano ng
gobyerno na mag shift ang Pilipinas sa federalismo.
=== end ===
Ulat ni Meanne Corvera