1K pulis Maynila ipapakalat sa lungsod sa Araw ng Kalayaan
Aabot sa higit 1,000 pulis ang idi-deploy ng Manila Police District (MPD) para sa mga gagawing aktibidad sa lungsod kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lunes, Hunyo 12.
Ayon kay MPD Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon, layon nitong matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga makikibahagi sa selebrasyon.
Maraming aktibidad aniya ang nakalatag sa Lunes gaya sa Rizal Park at Quirino Grandstand na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naghahanda rin aniya sila sa inaasahang kilos-protesta sa iba’t ibang grupo sa Maynila.
Babantayan din aniya ng MPD ang mga lugar kung saan may mga aktibidad at inaasahang dagdagsain ng mga tao.
Madelyn Moratillo