1st Regular Session ng 19th Congress, bubuksan ngayong araw
Alas diez ngayong umaga ang nakatakdang pagbubukas ng 1st Regular Session ng 19th Congress .
Sa agenda ng Senado, magkakaroon muna ng panalangin susundan ng National Anthem pagkatapos ay ang pagbasa na ng resolusyon ng Comelec na magpoproklama sa labindalawang Senador na nanalo noong May Elections.
Ang labindalawang Senador ay manunumpa saka sila maghahalal ng bagong Senate President.
Kasabay na ihahalal ang Senate president pro tempore, Chairman ng Committee on Rules, Senate secretary at Senate sgt at arms.
Kapag natapos na ang paghahalal ng mga opisyal saka pagtitibayin ng Senado ang Senate resolution para ipaalam sa Pangulo na nakapaghalal na ng mga lider ng Senado at ang resolution number 2 para bigyan rin ng notice ang kanilang counterpart sa Kamara.
Pagtitibayin rin ang House Concurrent Resolution para sa pagpapatawag ng Special Session ng dalawang kapulungan para sa State of the Nation Address ng Pangulo.
Bubuo rin ng Joint committee na siyang magiging kinatawan ng Senado para salubungin ang Pangulo.
Ang suspension ng Session at maging ang iba pang agenda ng Senado maaaring talakayin sa mga susunod na araw.
Meanne Corvera