2.5 million Sinovac doses at halos 900 libong Pfizer doses, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang nasa 2.5 million doses ng Sinovac at 883,500 Pfizer doses, na binili ng gobyerno.
Dahil dito ay umaabot na sa 74.7 million doses ang kabuuang COVID vaccines na nai-deliver sa bansa.
Ang 2.5 million Sinovac doses ay dumating ilang sandali bago mag ala-6:00 ng gabi kahapon (Biyernes) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 lulan ng Phil. Airlines flight PR359.
Mas maaga namang dumating ang Pfizer doses sa NAIA Terminal 2 bandang alas-4:00 ng hapon, lulan ng Emirates flight EK332.
Ayon kay US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava . . . “I’m absolutely delighted to be back here at the airport with another delivery of Pfizer vaccines from the United States through the Covax facility over the course of the next couple of days, you will see 5.5 million more doses arrive in the Philippines.”
Aniya, ang susunod na Pfizer doses ay idideliver sa Maynila at sa mga lungsod ng Cebu at Davao.
Bago mag ala-6:00 ng gabi kahapon, ay tinanggap din ng mga awtoridad ang kabuuang 2.5 million doses ng Sinovac vaccines sa NAIA Terminal 2, na lulan ng Phil. Airlines flight PR 359.
Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na inaasahan ng gobyerno na ang kabuuang vaccine delivery sa bansa ay aabot sa 100 milyon ngayong Oktubre.
Tiniyak din ni Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas, na ang bansa ay patuloy na makatatanggap ng suplay ng bakuna mula sa COVAX facility.
Ayon kay Rabindra . . . “This is the first shipment for this weekend. We look forward to increasing more deliveries over the next couple of weeks,” na ang tinutukoy ay ang Pfizer doses.
Ngayong araw, Sabado, Oct. 2 ay darating pa ang dagdag na 889,200 Pfizer doses at higit 1.2 million doses ng US-made vaccine ang darating naman bukas, October 3.
Pinasalamatan ni Galvez ang WHO, COVAX, ang gobyerno ng US, at ang UNICEF para sa pagtiyak ng steady delivery ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Aniya, ang mga bagong batch ng bakuna ay dadalhin sa priority areas, partikular sa Regions 4-A, 3,7, at 11.