2.7% ng Metro Manila “ cleared” nasa illegal na droga ayon sa DILG at PDEA

download
courtesy of wikipedia.org

“Cleared” na mula sa iligal na droga ang 2.7 percent ng buong Metro Manila ayon sa Department of Interior and Local Government at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nangangahulugan ito na malinis na mula sa impluwensya ng iligal na droga, ang 47 sa 1,706 na barangay sa buong National Capital Region.

Base sa datos ng DILG at PDEA, ang Quezon City ang may pinakamaraming Barangay na cleared na sa iligal na droga na nasa 11 na ang bilang.

Pumapangalawa naman dito ang Las Piñas na mayroong siyam na Barangay.

Noong May 30, naitala ang NCR na pinaka-apektadong rehiyon ng iligal na droga, matapos pumalo sa 97.3 percent ang mga apektadong Barangay dito.

Mahigit isang porsyento rin ang katumbas ng mga Barangay na na-clear sa NCR, kung ikukumpara sa 3,677 na mga Barangay na cleared na ayon sa DILG.

Bunga ito ng pagpapatupad ng administrasyong Duterte ng giyera kontra iligal na droga.

Ulat ni: Liza Flores

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *