2 brand ng COVID-19 vaccine, pinag-aaralang bilhin ng Gobyerno sa unang quarter ng 2021
Kinumpirma ni Senator Christopher Bong Go na dalawang uri ng bakuna laban sa COVID-19 ang pinag-aaralang bilhin ng Gobyerno.
Ayon sa Senador , nakausap nya sina Vaccine czar Carlito Galvez at Health secretary Francisco Duque III at sinabing posibleng maisara na ang kontrata sa dalawang vaccine companies sa unang quarter ng susunod na taon.
Wala pang datos kung gaano karami ang unang bibilhing bakuna pero maari naman aniya itong maragdagan pagpasok ng Abril hanggang Hunyo.
Tiniyak ng Senador na oras na dumating ang bakuna, prayoridad ng Gobyerno na mabigyan ang mga frontliner at vulnerable sector .
Paglilinaw ng Senador , libre ang bakuna para sa mga mahihirap at tiyak na ligtas at efficient ang mga bakuna bago ito iturok.
Meanne Corvera