2 Comelec office sa Quezon City, pansamantalang isinara para sa disinfection
Hindi muna makakapagparehistro sa Commission on Elections sa loob ng ilang araw ang mga taga District 2 at 4 sa Quezon City.
Sa isang anunsyo sinabi ng Comelec na ito ay dahil sa pansamantalang isinara sa loob ng limang araw o mula nitong Setyembre 16 hanggang 20 ang kanilang tanggapan para sa dalawang distrito sa QC.
Ang temporary closure ay upang bigyang daan ang emergency disinfection na ginawa sa mga nasabing tanggapan ng poll body.
Sa Lunes, Setyembre 21, muli namang magpapatuloy ang Voters Registration sa mga nasabing distrito.
Muli namang nagpaalala ang Comelec sa mga botante na magsuot ng face mask at face shield at pairalin ang social distancing sa pagtungo sa Comelec offices.
Magdala rin ng sariling ballpen, magdownload na ng application form at punan ang mga impormasyon na kailangan pero huwag munang pirmahan.
Madz Moratillo