2 cubic meters na ibinawas sa alokasyon ng Angat dam para sa domestic use ng mga Metro Manila residents, tiniyak na hindi magdudulot ng perwisyo
Mula 48 cubic meters per second noong nakalipas na buwan ay magiging 46 cubic meters kada segundo na lamang ang alokasyon ng Angat dam para sa domestic use ng mga residente ng Metro Manila ngayong Hunyo.
Habang nananatiling tigil muna ang alokasyon ng Angat para sa irigasyon.
Pero ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, wala namang magiging gaanong epekto ang 2 cubic meters na ibinawas para sa domestic use allocation dahil batay na rin sa forecast ng pag-asa, ang buwan ng Hunyo ay simula na ng panahon ng tag-ulan.
Tiniyak din ni David na hindi na mauulit ang mahabang oras na walang tubig sa mga residente sa Metro Manila dahil adjustment lamang itong kanilang ginawa.