2 ektaryang lupain sa Davao City na pagtatayuan ng Judiciary compound, nailipat na ng DENR sa SC
Pormal nang nailipat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Korte Suprema ang dalawang ektaryang land grant sa Davao City na pagtatayuan ng panukalang Judiciary compound.
Ito ay matapos na lagdaan ng mga opisyal ng Supreme Court at DENR and Deed of Conveyance sa Session Hall ng Korte Suprema.
Ayon sa SC, ang lupain ay bahagi ng Davao Regional Government Center.
Planong itayo sa Judiciary compound ang Davao City Hall of Justice kasama ang lahat ng 25 korte sa lungsod.
Kabilang din ang Judiciary Building kung nasaan ang En Banc Session Hall, Office of the Deputy Court Administrator for Mindanao, Office of the Judiciary Marshal, at Office of the Regional Court Manager.
Balak din na pagtayuan ang compound ng library, data center, Mindanao Training Center ng Philippine Judicial Academy, convention center at Dormtel na may pabahay para sa mga kawani at bisita.