2 ex- BI offical na itinuturong pasimuno sa pastillas scheme humarap sa Senate hearing
Humarap na sa pagdinig ng senado ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration na itinuturong pasimuno sa pastillas scheme o panghihingi ng lagay sa mga turista kapalit ng mabilis na pagpasok sa ninoy aquino international airport.
Kabilang na rito ang mag-amang Marc Red Marinas na dating hepe ng port operations division at Meynard Marinas.
Sa kaniyang testimonya, inamin ni Red Marinas na may nangyayaring VIP treatment hindi lang sa mga Chinese national kundi sa mga pumapasok na turista sa NAIA kapalit ng lagay.
Napipiltan raw ang ilan sa kaniyang mga kasamahan na kumagat sa ganitong raket dahil sa maliit na sweldo at kakulangan ng allowance .
Nagsimula raw ito noong 2017 nang alisin ang kanilang overtime pay.
Pero itinanggi ni Marinas ang alegasyon ng testigong si Jeffrey dale Ignacio na sya ang pasimuno ng pastillas group o sindikatong nangongolekta ng lagay sa mga turista partikular na sa mga Chinese national na nagtuturo sa Pogo industry.
Wala rin daw syang koneksyon sa ombudsman gaya ng alegasyon ng mga testigo kaya hindi umuusad ang kaso laban sa kanya.
Ayon naman kay NBI special action unit chief Emetrio Dongallo Jr. bini- verify na nila ang lahat ng testimonya ni ignacio.
nagpadala na rin aniya sila ng sulat sa ombudsman para humingi ng kopya ng cctv footage at logbook kung saan nakasulat ang mga naging bisita ng Office of the Ombudsman.
kasabay nito umapila si senator christopher bong go sa nbi na madaliin ang imbestigasyon at papanagutin ang mga opisyal na protektor at iba pang dawit sa katiwalian sa immigrration .
Meanne Corvera