2 hinihinalang miyembro ng ASG na naaresto ng militar sa tawi-tawi isasalang sa inquest proceedings ngayong araw

Inaasahang isasalang sa inquest proceedings ngayong araw sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City ang dalawang hinihinalang miyembro ng grupong Abu Sayyaf na naaresto ng militar sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, dadalhin sa CDO ang dalawang ASG members kasunod na rin ng kahilingan ng Armed Forces of the Philippines na ma-inquest ang mga ito.

Kinilala ng militar ang mga nadakip na si ASG sub-leader Omar Harun alyas Abu Halipa at ASG member Ara Samindi.

Si Halipa ay naaresto sa Poblacion Taganak habang si Samindi ay sa Lagaan Island sa Bayan ng Taganak.

Ang dalawa ay hinihinalang aktibong sangkot sa kidnapping activities ng grupo gaya ng pagdukot sa anim na tripulanteng Vietnamese nitong Pebrero.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *