2 katao na supplier ng marijuana sa mga estudyante, arestado ng QCPD…. 8 kilo ng marijuana, nasamsam

Dalawang katao ang naaresto ng Quezon City police district o QCPD -Drug enforcement unit na umano’y source ng marijuana na ibinebenta sa ibat- ibang lugar Metro Manila.

Pinaghihinalaang nagbebenta ang mga ito sa mga drug pusher na estudyante sa kapwa mga estudyante sa iba’t- ibang lugar.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Julius Ilagan at Jayson Forda.

Ayon kay QCPD -Station 7 Commander Police Supt. Giovanni Caliao, aabot sa walong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 300,000  piso ang nasamsam sa mga suspect.

 

Ang pagkakaaresto kina Ilagan at Forda ay kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang ‘tulak’ na estudyante na kinabibilangan ng 17 at 18 anyos.

Sinubukang makipagtransaksyon ng mga estudyante gamit ang telepono ng disiotso anyos na si michael dantic at positibong nakabili ng marijuana sa likod ng palengke sa Bambang, Pasig City.

Ang dalawang drug pusher na estudyante ay naka-uniporme pa nang mahuli ng QCPD-Station 7 kagabi sa isang sangay ng  Fastfood chain sa P. Tuazon Cubao.

Nasabat sa mga ito ang 6 na sachet ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng 9,000 piso.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *