2 meteor showers masasaksihan ngayong buwan
Tiyak na masisiyahan ang astronomy enthusiasts at sky watchers, dahil dalawang overlapping meteor shower events ang masasaksihan sa himpapawid ng Pilipinas ngayong buwan.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang Lyrids ay isang meteor shower na maaaring masaksihan simula sa Abril 16-25, na ang inaasahang peak activity ay sa Abril 22.
Ayon sa weather bureau, ang meteor shower ay maoobserbahan kapag ang Hercules, ang radiant ng meteor shower ay umakyat na bandang alas-9:17 ng gabi at manatiling aktibo hanggang bandang ala-5:14 ng umaga ng susunod na araw. Ang radiant ay pinakamataas sa himpapawid bandang alas-4:00 ng umaga.
Sinabi ng Pagasa, na ang Lyrids meteor shower ay magpapakita ng pinakamagandang display ilang sandali bago magmadaling araw, na hanggang 18 observable meteors bawat oras.
Ayon sa PAGASA . . . “The presence of the Waning Gibbous Moon in Sagittarius presents a significant interference with the meteor shower observation throughout the night.”
Sabi pa ng PAGASA, ang Puppid meteor shower naman ay magiging aktibo mula Abril 15-28 na ang inaasahang peak of activity ay sa Abril 24.
Ang meteor shower ay puwedeng obserbahan pagkatapos lumubog ng araw, hanggang sa ang radiant nito ay lumipas bandang alas-10:09 ng gabi.
Dagdag ng PAGASA, ang presensiya ng huling quarter moon sa Capricornus habang nasa peak activity ay magpo-produce ng isang insignificant effect sa meteor shower observation.
Hindi na rin anila kailangan ang Telescopes at binoculars, dahil maaaring makita ang meteor showers sa pamamagitan ng ating mga mata.
Ayon pa sa ahensiya . . . “Maximize the viewing experience by choosing a dark observation site away from the city lights under clear and moonless sky conditions.”