Karagdagang 2 milyong doses ng Astrazeneca vaccine, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa na ang dalawang milyong doses ng Astrazeneca vaccine mula sa Covax facility.
Ang mga bakuna ay dumating kaninang pasado alas-12:00 ng tanghali sa pamamagitan ng Singapore airlines commercial flight.
Ang pagdating ng mga bakuna ay sinalubong nina Health secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., at Testing Czar Secretary Vince Dizon.
Dinala na ang mga bakuna sa cold storage facility sa Marikina city matapos sumailalim sa disinfection.
Nauna nang ipinahayag ni Senador Bong Go na ang karagdagang Astrazeneca vaccine ay gagamitin sa mga Medical frontliner, Senior Citizen at Person with Comorbidities na naturukan ng kanilang first dose.
Ang mga bakuna ay karagdagan sa naunang 525,000 Astrazeneca vaccine na dumating sa bansa.