2 Milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Pasig

 

Sinalakay ng pinagsanib puwersa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NCRPO Regional Drug Enforcement Unit ang isang bahay na ginagawang Drug Den sa Rodriguez compound, Tramo Rosario, Pasig city kagabi.

Bultu-bultong shabu ang naabutan ng mga otoridad pagpasok ng bahay.

Dinakip ang may-ari ng den na si Deogracias Banares Jr., alyas Junior at ang pitong iba pa.

Agad naaresto ang may ari ng Drug den na si Deogracias Banares Jr. alyas Junior at ang iba pa na sina Ronald  Francisco, Victorio Mediario, Joel Maglasang, Jade Gaut, Jebrian Balasabas, Henribel Alib.

Ang suspek na si Banares ay matagal nang minomonitor ng NCRPO-RDEU dahil sa talamak na pagtutulak nito ng shabu.

Taong 2017 pa umano ay nasa monitoring list na ng RDEU alyas Junior pero tuloy tuloy ang ginagawa nitong pagtutulak at pagbebenta ng shabu hindi lamang sa Pasig maging sa mga kalapit pang lugar.

Nasabat din sa mga suspect ang mga sumusunod:

  1. 22 pcs of plastic sachet of shabu weighing more or less 300 grams with street value of php 2,040,000.00
  2. 1 bundle of 1,000 peso bills boodle  marked  money equivalent  to P 60,000.00 for 25 gms of shabu sold  by the  the suspect to the under cover agent poseur buyer;
  3. Assorted drug  paraphernalia

Kakasuhan naman ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *