2 patay, 300 bahay nasunog sa San Buena compound, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal

Nilamon ng apoy ang nasa 300 bahay sa San Buena compound Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Inakyat kaagad sa Task Force Alpha ang sunog dahil mabilis kumalat ang apoy sa mga bahay na karamihan ay gawa sa light materials.

Marami sa mga residente ay walang naisalbang gamit sa bahay at tanging mga suot na damit lamang nila ang naisalba mula sa sunog.

Nagbigay naman agad ng medical assistance ang Philippine Red Cross sa mga residenteng nasugatan na kung saan umabot sa apat na katao.

Ayon sa Bureau of Fire Protection tinatayang aabot sa halos anim na milyong piso ang halaga ng napinsala sa sunog sa lugar.

Samantala, nasa 800 pamilya naman ang naapektuhan ng sunog na pansamantalang tumutuloy na sa mga evacuation centers.

Isang 81-taong gulang na babae ang naitalang patay matapos na masunog at matrap sa bahay.

Natagpuan ang bangkay nito kinaumagahan.

Inaalam pa rin ng BFP ang posibleng pinagmulan ng sunog pati na rin ang lugar kung saan ito nagsimula.

 

End

 

Story by: Earlo Bringas

Photos: Earlo Bringas/Tantan Alcantara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *