2 PCG personnel sa Binangonan sub-station sinibak dahil sa pagtaob ng MB Aya Express

Sinibak na sa pwesto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2 miyembro ng Binangonan sub station nito sa Rizal kasunod ng pagtaob ng Aya Express motor banca nitong Huwebes, July 27, sa Laguna Lake na nagresulta sa pagkasawi ng higit 27 katao.

Nagsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang PCG sa nasabing trahedya.

Pina relieve ko agad yung mga tao na involve, pinai-imbistigahan na natin. Di natin ito-tolerate yan. Pag may tao tayo na nagkulang sa pagganap ng tungkulin. Kailangan accountable,” paliwanag ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu.

Sinabi ni Abu na kasamang aalamin ng PCG ay kung masyadong naging kampante ang kanilang mga tauhan sa sub-station, maging ang ulat na kalakaran umano ang pagsasakay ng mas maraming pasahero sa mga bangka.

“Very nature of geographical situation of the country kaya dinamihan namin ang sub-station namin. Makikita sa investigation kung nagkaroon ng complacency,” dagdag pa ni Admiral Abu.

Pero giit ng PCG chief na may responsibilidad rin ang kapitan ng bangka at may-ari nito para siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero.

“Sa safety ng mga naglalayag ng bangka, were giving the authority of responsibility sa ship captain at boat owners. May circular tayo d’yan. We’re holding them accountable if they implement it yung life jacket,” paliwanag pa ni Abu.

Samantala, sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) ng motor banca Aya Express until further notice.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *