2 Pinoy Doctor, kasama sa mga pinayagang makatawid sa Egypt mula sa Gaza-DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga dayuhan na pinayagan nang makalusot sa Rafah Border mula sa Gaza.
Sa mensahe ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega sa NET25, sinabi na hindi pa lahat ng foreign nationals ay pinahintulutang makatawid sa Egypt.
Gayunman, sinabi ni De Vega na kasama sa inisyal na listahan na makaaalis na sa Gaza ang dalawang Pilipinong doktor na nagtatrabaho sa Doctors Without Borders ” the two Filipino doctors working with Doctors without Borders – an international humanitarian organization- are among the selected Foreign nationals who have been allowed to exit Gaza and cross to Egypt. But this is just the initial list.” ani De Vega.
Tiniyak ni De Vega na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Israel para mabigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa Gaza.
Sa ngayon aniya ay ang mga miyembro ng International organizations muna ang makaaalis sa Gaza at makatatawid sa Egypt
Paliwanag ni De Vega “ not yet for all foreign nationals. We are engaging with Israel to prioritize Filipinos among nationalities to be first allowed exit. Right now, they are prioritizing members of International organizations.”
Sa oras aniya na makalusot sa Gaza ay ipoproseso sa border ang mga dayuhan ng Egyptian officials para sila ay tuluyang makapasok doon.
Sinabi rin ni De Vega na nasa 136 Pinoy ang nasa Gaza habang may 10 na hindi makontak.
May anim na Pinoy rin aniyaang bumalik sa Gaza City.
Moira Encina