2 Police General at 2 Colonel inirekomenda ng 5-man advisory group na alisin sa puwesto
Dalawang police general at 2 pang police colonel ang inirekomenda ng 5-man advisory group ng Philippine National Police (PNP) na tanggapin ang courtesy resignation o alisin sa serbisyo.
Sa mensaheng ipinadala ni retired police general at dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. , kinumpirma nito ang rekomendasyon sa National Police Commission (NAPOLCOM) matapos makitaan ng kaugnayan ang mga ito sa iligal na droga.
Gayunman, tumanggi si Azurin na pangalanan ang nasabing mga opisyal at ipauubaya na aniya ito sa NAPOLCOM.
Umaasa rin si Azurin na ipagpapatuloy ng bagong PNP Chirf General Benjamin Acorda para papanagutin ang mga pulis na dawit sa illegal drugs.
“We recommended it. And hopefully Chief PNP Acorda will sustain our efforts on this,” pahayag ni retired Gen. Azurin.
“It’s now with NAPOLCOM on how they will deal with out recommendations,” paliwanag pa ng dating PNP chief.
Sa eksklusibong, panayam ng NET25 News kay Gen. Acorda, tumanggi muna itong pangalanan ang mga opisyal na inirekomenda kasuhan at alisin sa serbisyo.
Ayaw raw niyang pangunahan ang Napolcom at DILG.
Pero tiniyak ng PNP chief na hindi mauuwi sa wala ang trabaho ng advisory group.
“I am giving the assurance that all those personnel who are involved in this fiasco will be properly charged, appropriately charged, administratively and criminally and pipilitin natin na sila ay matatanggal sa serbisyo,” sabi pa ni Gen. Acorda.
Bukod sa mga third level officer, Hindi rin daw palulusutin ni Acorda ang mga junior officer na dawit din sa ilegal na droga.
“Well, in the investigation of the SITG and maybe in the fact-finding na ginagawa ng Napolcom and pag-iisahin namin ito, definitely may makakasuhan dito sa mas mababang level,” diin pa ni Gen. Acorda
Hindi pa masabi ng PNP chief pero naghahanda raw ang PNP, NAPOLCOM at Department of Interior and Local Government (DILG) na humarap sa isang press conference para magkakasamang ihayag ang resulta ng 5-man advisory group review.
Dito inaashaan na papanagalan na ang mga opisyal na inirekomendang alisin sa serbisyo.
Mar Gabriel