2 subpoena , inihain sa dating chief strategist ni US President Donald Trump
Dalawang subpoena ang naihain kay Steve Bannon, ang dating chief strategist ni US President Donald Trump kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y pakikialam ng russia sa 2016 US presidential elections.
Ang unang subpoena ay nagmula sa tanggapan ni special counsel Robert Mueller upang humarap si bannon sa grand jury.
Ayon sa ilang political analyst – ang subpoena ay maaaring negotiating tactic lamang ni Mueller sakaling pumayag si Bannon na sa halip na humarap ito sa grand jury ay humarap na lamang sya sa mga imbestigador sa isang informal setting upang sagutin ang mga katanungan una sa sa pag-aalis kay dating F-B-I Ddirector James Comey at kung nagkaroon nga ba ng ugnayan ang Russia sa campaign team ni Trump.
Ang ikalawang subpoena ay inihain kay Bannon — sa isang closed door meeting ng house intelligence committee kung saan ay sinasabing sa halos 10 oras na sesyon ay tumangging sumagot si Bannon sa mga katanungan ukol sa maikling panahon na ipinagsilbi nya bilang chief strategist sa trump administration. bagay na hindi ikinatuwa ng mga mambabatas kung kaya ang on-the-spot subpoena ay naihain, subalit nanatiling tahimik si Bannon.
Si Bannon ay inaasahang makapagbibigay ng mahalagang testimonya ukol sa mga nasaksihan nya sa mga huling buwan ng presidential campaign ni trump. inaasahan din na maibahagi ni bannon ang kanyang karanasan noong sya ay nasa white house pa bilang chief strategist ng US president.
Ayon kay William Burck , abogado ni Bannon, bagamat nais magsalita ng dating chief strategist sa mg amambabatas at imbestigador ay hindi nito magawang magsalita sapagkat may gag order ang white house kay Bannon.
Bagay na itinanggi ng press secretary ni Trump at sinabing dapat na konsultahin muna ng kongreso ang white house sa mga inquiries na may kaugnayan sa white house bago pa man sila makakuha ng mga classified na materyales.
Ulat ni Elle Aguilar
photo ctto: Mark Humphrey/AP Photo