20% discount sa pasahe ng mga sundalo, pulis at coastguard sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at sa mga probinsya, sinimulan na ngayong araw

Simula ngayong araw ang implementasyon ng 20% discount sa pasahe ng mga sundalo, pulis at coastguard sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila at maging sa mga probinsya.

Ito ay matapos pormal na lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mga ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at Bus operators para sa 20 percent discount ng lahat ng uniformed personnel ng AFP, PNP at PCG.

Kailangan lang magpakita ng ID ang mga sundalo, pulis at coastguard na sasakay ng bus.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra at DOTr underscretary Mark de Leon, ang ideya na bigyan ng diskuwento ang mga pulis sundalo at coastguard ay galing mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Anila, sa pamamagitan nito ay maipapakita at maipapadama sa mga uniformed personnel ang pagpupugay sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa bayan at mamamayan.

Nagpasalamat naman AFP, PNP at PCG sa LTFRB, DOTr at bus companies sa pag-acknowldge sa kanilang serbisyo sa pamamagitan ng nasabing pribiliheyo.

Anila, hindi lang ang mga sundalo, pulis at coastguard ang makikjiabang sa 20 percent discount sa pasahe sa bus kundi maging ang kanilang mga pamilya.

Sa panig naman ng bus companies maliit na bagay ang pagbibigay nila ng fare discount sa ginagawang pagtatanggol sa bayan at pagpapanatili ng peace and order ng mga uniformed personnel ng AFP. PNP at PCG.

 

Ulat ni Eden Santos

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *