20 hukom itinalaga sa iba’t ibang korte sa Region 4
Kabuuang 20 hukom ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang korte sa Region IV.
Ito ay batay sa appointment letters na natanggap ng Korte Suprema mula sa Malacañang.
Ang mga huwes ay itinalaga sa iba’t ibang regional trial courts, municipal trial courts, municipal trial courts in cities, at municipal circuit trial courts sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at Romblon.
Sa Cavite ay may hinirang sa Cavite City, Dasmariñas, General Trias, General Marianon Alvarez, at Carmona habang sa Laguna ay sa San Pedro at Los Baños.
Sa Batangas naman ay sa Balayan, Lipa City, Nasugbu, at Malvar- Balete habang sa Rizal ay sa San Mateo at Antipolo.
May in-appoint din na judges sa Mauban at Pagbilao sa Quezon, at sa Odiongan- Ferrol at San Agustin-Sta Maria sa Romblon.
Moira Encina