20 OFWs galing sa Lebanon nakauwi sa bansa mula Biyernes hanggang Linggo
Kabuuang 20 OFWs galing sa Lebanon ang nakabalik na sa bansa mula noong Biyernes, October 11 hanggang Linggo, October 13 sa gitna ng gulo sa Middle East.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), tatlo ang dumating noong Biyernes, siyam noong Sabado at walo noong Linggo.
Courtesy: DMW
Nakatanggap ang bawat isang OFW returnees ng P75,000 mula sa DMW at P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Binigyan din ang mga OFW ng P20,000 na livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD),
Courtesy: DMW
Sa tala ng DMW, umaabot sa 450 OFWs mula sa Lebanon ang napauwi na sa bansa mula noong isang taon dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Inaasahan ng DMW na mas marami pang OFW ang babalik sa bansa dahil sa pinaigting na repatriation efforts ng pamahalaan, para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa harap ng giyera sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Moira Encina – Cruz