20 Patay sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Region 5
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong kristine sa Bicol Region.
Sa Datos na inilabas ni Police Regional Office 5 Director, Police Brigadier General Andre Dizon, umakyat na sa 20 ang mga naitatala nilang nasawi dahil sa bagyo.
Pito rito ay mula sa Naga City, 5 sa Catanduanes, apat sa Albay habang tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod habang ang isa sa Masbate ay nadaganan ng natumbang puno.
Maliban sa mga nasawi, apata naman ang nawawala kung saan, dalawa rito ay mula sa Masbate habang tig-isa naman sa Camarines Sur at Albay.
Nilinaw naman ni Dizon na sasailalim pa sa validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Management of the Dead and Missing ang mga naturang kaso.
Umabot naman sa 119,488 na indibidwal o 23,517 na pamilya na nailikas at dinala sa 246 na mga evacuation center.
Sa ngayon 722 na barangay na ang nakakaranas ng pagbaha mula sa lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon at Naga city.
May 19 na landslide incident na rin sa Albay, Camarines Norte at Camarines sur.
Nagpapatuloy naman ang search and rescue at relief operation ng PNP Region V sa mga lugar matinding napinsala ng bagyo
Nakatutok ang Pulisya sa mga bayan ng Ligao, Oas, Libon at Polangui sa Albay gayundin sa Nabua sa Camarines Sur at Naga city na lagpas tao ang baha.
Kahapon una nang ipinag- utos ni General Marbil ang pagdedeploy ng karagdagang pwersa sa mga lugar na matindi ang pinasala ng bagyo.
Inilagay na rin sa heightened alert status ang kanilang mga tauhan upang matiyak na may sapat na pwersa
Nasa dalawang libong pulis na ang idineploy ng pnp para tumugon Rescue at clearing operations
Ayon sa PNP may sampug libong pulis pa na bahagi ng kanilang Reactionary standby support Force na nakahanda nilang ideploy sakaling kailanganin pa ng karagdagang puwersa sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyo.
Mar Gabriel