20 to 30 percent increase sa Philhealth benefits hiniling ng Kamara
Dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa hiniling ng Kamara na itaas sa 20 hanggang 30 percent accross the board ang benefits na ibinibigay ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa mga miyembro ng state health insurance.
Sinabi ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee na nangako ang pamunuan ng Philhealth noong budget deliberation sa Kamara na palawakin ang mga benepisyong pangkalusugan na ipinagkakaloob sa mga miyembro.
Ayon sa Kongresista kailangang hindi lamang piling sakit ang taasan ang benepisyo ng Philhealth kundi isama na rin ang lahat ng karamdaman na sakop ng state health insurance.
Kamakailan itinaas ng Philhealth ang health benefits package sa mga mayroong Pneumonia, Ischemic and Hemorarrhagic stroke.
Batay sa record kulang na kulang na ang health benefits na nakukuha ng mga miyembro dahil sa taas ng bayad sa mga hospital.
Iginiit ng mambabatas na pananagutan ng gobyerno na matiyak ang kalagayang pangkalusugan ng bawat mamamayan.
Vic Somintac